Di ko alam kung bakit. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Di ko naman gusto na maging ganito yung pakiramdam ko. Kailangan ko ulit hanapin yung sarili ko. Kailangan ko ulit mabuo kung sino talaga ako. Kung ano yung hinahanap ko…
Habang lumilipas yung mga araw, unti-unting nawawala yung “drive” sa akin. “Lost” ako these past few days, weeks, months, at hindi maganda yun para sa akin. Ang dami kong nakakaligtaan. Masyado akong nasstress. Ayoko ng ganito. Di naman ako ganito dati eh. I have that fuel to serve and do these extra works, pero bakit ganito? Parang nabigla ako ng ewan. Parang konting lingat ko lang, ang dami ng nagbabago. Nakakapagod. Ewan. Ang gulo ng pakiramdam ko…ng isip ko. Mahirap pala tong pinasok ko.
Lord, kayo lang po yung malalapitan ko. Sana po makayanan ko. You are reminding me na naman po. Sorry po. Help me to overcome these obstacles. Sana magampanan ko yung responsibilidad ko. And may you guide me towards greatness. Sana mawala na din yung pagka-lost ko at makabalik na ako sa realidad. Help me po. I don’t want to be like this. I need to be back ASAP! :/
